Umabot sa 73 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 1 o PRO1 sa isinagawang weeklong law enforcement operations sa Ilocos Region mula Setyembre 8 hanggang 14, 2026.

Sa naturang bilang, 17 ang kabilang sa Most Wanted Persons, na binubuo ng apat na regional level, apat na provincial level at siyam na municipal level.

Samantala, 56 iba pang wanted persons ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga police unit sa rehiyon.

Kasabay nito, nagsagawa rin ang PRO1 ng operasyon laban sa ilegal na droga, smuggling, illegal gambling at loose firearms.

Kabuuang 141 indibidwal ang naaresto sa loob ng isang linggong operasyon, habang mahigit ₱25.8 milyon halaga ng illegal drugs at smuggled goods ang nakumpiska.

Ayon kay PRO1 Regional Director PBGEN Crisaleo R. Tolentino, mahalaga ang koordinasyon at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas upang matugunan ang mga banta sa peace and security sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments