3 Katao kabilang ang isang ex-convict, Timbog sa Pagbebenta ng Shabu

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong katao na itinuturing na High Value Target matapos ang ikinasang drug buy-bust operation pasado alas-4:00 kahapon sa Barangay Nambaran, tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang mga suspek na si Marisa Agnaya, 40-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Bulanao; Canuel Ballong, 38-anyos na residente sa Brgy. Nambaran sa nasabing lungsod at isa pang kasama nil ana dati ng nakulong sa kaso namang pagpatay.

Narekober naman sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu at buy-bus money.


Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang mga suspek.

Facebook Comments