3 KATAO, SINAKSAK SA ISANG BAHAY ILOCOS NORTE

Saksak ang inabot ang tatlong biktima mula sa 45 anyos na lalaking suspek sa Laoag City, Ilocos Norte.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pagpasok ng suspek, pinagsasaksak nito ang unang biktima habang ito ay nasa sala lamang ng bahay ng pangalawang biktima.
Sinunod nito ang ikatlong biktima na nasa kwarto, at maging ang may-ari ng bahay, dinamay din.

Itinakbo sa pagamutan ang mga biktima habang idineklarang dead on arrival ang isa sa mga ito.
Naaresto ang biktima at nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente upang malaman ang posibleng motibo ng pananaksak sa tatlo.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments