Nananawagan ngayon ang Kagawaran ng Kalusugan sa publiko ukol sa pagkakaroon ng hygienic practices laban sa tumataas na kaso ng WILD (Water and Food-borne, Influenza, Leptospirosis and Dengue) Diseases, bunsod na rin ng nararanasang lagay ng panahon.
Kasabay pa nito, binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagpunta ng maaga sa mga ospital o centers para sa konsultasyon upang maagapan sakaling magpositibo sa mga naturang sakit.
Inirerekomenda naman ang 4S strategy laban sa bantang dulot ng dengue, maging ang paghuhugas ng kamay upang makaiwas anomang banta ng virus.
Nauna nang inihayag ng Region 1 health authorities na inaasahan ang pagkakatala ng mga naturang sakit dahil sa umiiral na lagay ng panahon ngayon.
Samantala, matatandaan na halos tatlong daan na rin ang naitalang bilang ng kaso ng Dengue sa Pangasinan na ito ring nangunguna sa mga probinsya sa rehiyon na may pinakamataas ng bilang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨