Ito ay matapos ang agarang pagpapatupad ng Executive Order No. 077, Series of 2026, na naglalayong higpitan ang biosecurity measures laban sa African Swine Fever (ASF).
Sa ilalim ng kautusan, pansamantalang nililimitahan sa loob ng 30 araw ang pagpasok at paggalaw sa Bautista ng live swine, fresh, chilled at frozen pork, at iba pang tinukoy na swine products.
Itinayo ang ASF inspection at quarantine checkpoints sa mga strategic entry at exit points ng bayan, kung saan sinusuri ang mga dokumento at iba pang kinakailangan bago makapasok ang mga produkto.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang swill feeding o pagpapakain sa baboy ng tirang pagkain, untreated food waste at kitchen waste.
Ipinagbabawal din sa mga restaurant at food establishment ang pagbibigay o pamamahagi ng food leftovers sa hog raisers para ipakain sa kanilang mga alagang baboy.
Hakbang ito ng bayan ng Bautista kasabay ng iba pang lokal na hakbang sa Pangasinan upang malabanan ang banta ng ASF.
Samantala, sa bayan naman ng San Quintin, ipinatupad din noong Setyembre ang Executive Order No. 050, Series of 2026, na pansamantalang nagbabawal sa pagpasok ng pork carcasses para sa commercial purposes.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang isinasagawang inspeksyon at monitoring ng mga awtoridad sa pagpasok at paglabas ng baboy at pork products para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
