MAAGANG PAGTUKOY SA TB, TAMPOK SA COUGH CARAVAN SA TAYUG

Tintukan sa Tayug, Pangasinan ang maagang pagtukoy sa mga posibleng kaso ng Tuberculosis (TB) at iba pang sakit sa baga noong Setyembre 25, 2026.

Pinangunahan ang isinagawang Cough Caravan 2026 ng Municipal Health Office (MHO), Eastern Pangasinan District Hospital at dalawang partner organizations.

Ayon sa lokal na pamahalaan, target ng programa na matukoy ang mga residenteng maaaring may TB o iba pang sakit sa baga upang maisailalim sila sa kinakailangang karagdagang pagsusuri.

Mahalaga umano ang maagang pagtukoy para makapagsagawa ng naaangkop na pangangalagang medikal sa mga posibleng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments