
Inaprubahan ng Senado ang resolusyon na nagbibigay parangal sa tennis star na si Alex Eala matapos ang pagkapanalo sa women’s singles final ng Mubadala DC open 2026 sa Washington DC noong August 3 at sa makasaysayan niyang pagkapanalo sa women’s tennis association tour level singles championship.
Ang panalong ito ay unang pagkakataon sa isang Pilipino.
Sa ilalim ng Senate Resolution 554, kinilala ang tagumpay ni Eala sa international tennis competitions na itinuturing na pride at honor para sa bansa at isa ring inspirasyon para sa mga kabataang Pilipino.
Sa sponsorship speech ni Senate President Sherwin Gatchalian, ang mga tagumpay ni Eala ay patunay na kayang tumindig ng mga Pilipina sa gitna ng mga higante at nagawa aniya ito ni Eala dahil sa maraming taon ng pagsisikap.
Para naman kina Senators Joel Villanueva at Mark Villar, hindi bunga ng swerte anf pagwawagi ni Eala kundi resulta ng disiplina, sakripisyo at pagsisikap.
Sinabi naman nina Senators JV Ejercito, Bong Go at Raffy Tulfo na dahil kay Eala nagkaroon ng panibagong dahilan na maipagmalaki ang pagiging Pilipino at napagkaisa niya ang bansa sa gitna ng pagkakahati-hati dahil sa politika at mga hamong kinakaharap ng bansa.










