300 metriko tonelada ng mga bigas, ilalabas na ng NFA kasunod ng pagdeklara ng Food Security Emergency ng DA

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture o DA na ilalabas na ng National Food Authority (NFA) ang stocks ng bigas kasunod ng pagdeklara ng Food Security Emergency ng ahensiya.

Ayon kay Roy Untiveros, Department Manager ng National Food Authority, nasa 3,000 metriko tonelada ang inisyal na maaaring ilabas ng NFA.

Paliwanag pa ni Untiveros, makatatanggap aniya ng order ang kanilang ahensya mula sa DA upang mailabas na ang stock ng mga bigas para aniya sa mga LGUs, GOCCs at iba pang government agencies.


Dagdag pa ng opisyal na inaabisuhan ang mga LGU na makipag-ugnayan sa Food Terminal Incorporated o FTI para sa pagbili ng bigas dahil ito ang magiging kakontrata ng NFA.

Giit pa ng DA, na magsasagawa sila ng monitoring upang matiyak na maayos na maibebenta ang mga bigas at hindi mapagsasamantalahan ng mga negosyante na maaaring sumabotahe sa programa.

Sabi pa ni Untiveros, kung mayroon na rin aniyang interesado, ang stock ay maaaring kuhanin sa mga bodega ng NFA at ito ay daraan sa FTI papunta sa mga lokal na pamahalaan bago ito maipamahagi sa publiko.

Facebook Comments