Tuesday, July 28, 2026

Malinaw na mensahe ng pangulo sa kanyang SONA patungkol sa kanyang paninindigan sa West Philippine Sea, welcome sa AFP

Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang malinaw na mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) patungkol sa kanyang paninindigan sa West Philippine Sea (WPS).

Nabatid na nagbigay ng mensahe ang pangulo kung saan sinabi nito ang mga katagang “Sa mga pang-aalipusta, hindi tayo matitinag. Sa manlulupig, hindi tayo pasisiil.”

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, higit pa ito sa policy statement, pinapalakas nito ang misyong dala-dala araw-araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Dahil dito ay tiniyak ni Padilla na patuloy nilang dedepensahan ang soberanya ng bansa at poprotektahan ang mga Pilipino.

Bukod sa pagkilala ng Pangulo sa mga kasundaluhan, kinilala rin niya ang Philippine Coast Guard (PCG), marino, mga mangingisda na matapang din na naninidigan sa karapatan sa teritoryo ng bansa.

Facebook Comments