
Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 11376 o Wage Hike for Minimum Wage Earners Act na magkakaloob ng dagdag na P200 sa arawang sweldo ng lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor, anuman ang laki o uri ng industriya.
Exempted sa pagpapatupad ng umento sa sahod ang mga Barangay Micro Business Enterprises.
Ang mga maliliit na negosyo naman ay maaaring kumuha ng insentibo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) batay sa gagawing implementing rules and regulations.
Kapag naisabatas, ang sinumang lalabag o hindi magbibigay ng umento sa sahod ng kanilang mga manggagawa ay pagmumultahin ng P100,000 hanggang P500,000 at maaari ding makulong ng dalawa hanggang apat na taon.
Facebook Comments