
CAUAYAN CITY- Nanatili pa rin sa dating presyo ang mga Liquified Petroleum Gas o LPG sa Lungsod ng Cauayan kahit na nasuspinde na ang na ang pagpapatupad ng excise tax sa LPG.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ginoong Robinson Calderon, sinabi nitong, bagamaβt inanunsyo na ang suspensiyon ng excise tax, hinihintay pa ang aktuwal na implementasyon at mga kaukulang panuntunan bago ito maipasa sa presyo ng LPG na ibinebenta sa mga mamimili.
Dahil dito, wala pa umanong agarang pagbabago sa presyo ng LPG sa kanilang tindahan, sa halip ay patuloy pa na tumataas ang presyo ng LPG na naglalaro sa β±1,100 hanggang β±1,400 depende sa brand.
Samantala, nanawgaan naman si Ginoong Calderon sa mga mamimili na alamin ang opisyal na presyo ng LPG at humingi ng resibo sa bawat pagbili habang hinihintay ang pinal na implementasyon ng suspensiyon ng excise tax.










