Friday, October 23, 2026

Malacañang, makikipag-ugnayan sa posibleng pag-a-adjust ng oras ng klase dahil sa super El Niño

Makikipag-ugnayan ang Malacañang sa Department of Education (DepEd) kaugnay ng mungkahing baguhin ang oras ng klase sa harap ng inaasahang matinding init dulot ng Super El Niño.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi pa niya nakukuha ang posisyon ng DepEd sa panukala ng Climate Change Commission.

Sinabi ni Castro na makikipag-ugnayan siya sa DepEd, lalo’t naghahanda na rin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa posibleng epekto ng tagtuyot at matinding init.

Sa mungkahi ng Climate Change Commission, dapat iwasan ang klase sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, kung kailan maaaring pinakamainit ang temperatura.

Isa sa mga inirerekomenda ang mas maagang pasok, mula alas-6 hanggang alas-9:30 ng umaga, para mabawasan ang exposure ng mga estudyante sa matinding init.

Facebook Comments