Sunday, November 15, 2026

Planong panonood ni PBBM ng international car racing sa Singapore, dinepensahan ng Palasyo; karera, tatapat naman daw sa araw ng linggo

Ipinagtanggol ng Malacañang ang planong panonood ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Formula 1 Singapore Grand Prix, isang international car racing sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng bansa, kabilang ang banta ng El Niño.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi naman nagkukulang sa trabaho ang Pangulo at patuloy itong kumikilos sa mahahalagang isyu sa bansa, kabilang ang agarang pagpupulong para paghandaan ang posibleng epekto ng tagtuyot.

Giit pa ni Castro, hindi rin magandang tingnan kung tatanggihan ng Pangulo ang imbitasyon ng isang lider, lalo na’t bahagi ito ng kanyang working visit.

Gaganapin rin aniya ang karera sa araw ng Linggo o October 11 kaya hindi ito dapat ituring na sagabal sa trabaho.

Tiniyak din ng Palasyo na pangunahing layunin ng biyahe ng Pangulo ang pag-secure ng mga investment para sa Pilipinas.

Facebook Comments