Thursday, June 4, 2026

LUMANG BOMBA, NAHUKAY NG ISANG RESIDENTE SA SISON

Isang lumang bomba na pinaniniwalaang mula pa sa mga nagdaang dekada ang nahukay ng isang residente sa Barangay Tara Tara, Sison, Pangasinan.

Ayon sa Pangasinan Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU), iniulat sa tanggapan ang pagkakadiskubre sa projectile habang may hinuhukay na butas ang isang 67-anyos na lalaki.

Sa pagsusuri ng mga Explosive Ordnance Disposal (EOD) technician, nakumpirmang isa itong 76mm projectile na bagama’t matindi na ang kalawang at pagkasira dahil sa tagal ng pagkakabaon sa lupa ay nananatili pa ring mapanganib.

Dahil dito, nagsagawa ng technical operation ang mga awtoridad at ligtas na kinuha ang naturang pampasabog.

Dinala ang nakuhang projectile sa kustodiya ng Pangasinan PECU para sa ligtas na pag-iingat habang hinihintay ang pinal na disposal o pagsira rito.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na huwag hahawakan o gagalawin ang anumang kahina-hinalang bagay na maaaring explosive at agad itong iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments