Nasawi ang isang 24-anyos na lalaki matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng provincial road ng Barangay Rizal, San Carlos City, Pangasinan gabi ng Hunyo 2, 2026.
Ayon sa kapulisan, tinatahak umano ng rider ang daan nang umano’y pumasok ito sa one-way road at mabilis na binabagtas ang kalsada.
Sakto namang may kasalubong itong sasakyan na nagresulta sa head-on collision sa sasakyang minamaneho ng 27-anyos na lalaki.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang rider ng motorsiklo at agad na isinugod sa ospital ngunit idineklara itong patay.
Hindi naman nagtamo ng pinsala ang driver ng sasakyan, habang ang parehong sasakyan ay pansamantalang isinailalim sa kustodiya para sa imbestigasyon.
Kasunod ng insidente, muling nagpaalala ang mga awtoridad sa mga motorista na mahigpit na sundin ang one-way traffic rules at mga road signages para maiwasan ang aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






