Thursday, June 4, 2026

₱3.8-M DONASYON PARA SA 19 NA BARANGAY SA SAN JACINTO, APRUBADO NA

Umabot sa ₱3.8 milyon ang inaprubahang pondo para sa 19 na barangay sa San Jacinto, matapos nitong pagtibayin ng Sangguniang Bayan para sa mga programang pang-edukasyon at lokal na proyekto.

Batay sa inaprubahang resolusyon, tig-₱200,000 ang matatanggap ng bawat barangay mula sa naturang pondo.

Nakasaad na ₱100,000 ng alokasyon ay ilalaan para sa limang scholar ng barangay, katumbas ng tig-₱20,000 bawat-isa.

Ang natitirang pondo ay maaaring gamitin sa mga prayoridad na proyektong tutukuyin ng mga barangay.

Ngunit, kinakailangan munang maisakatuparan ang mga dokumentong kaugnay ng donasyon bago ibigay ang pondo sa mga benepisyaryo.

Inaasahang makatutulong ang pondo sa mga dagdag na gastusin kaugnay ng nalalapit na pagbubukas ng klase.

Bukod dito, magsisilbi rin itong dagdag-suporta sa paghahanda ng mga barangay para sa posibleng epekto ng tag-ulan at iba pang kalamidad sa mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments