34 katao, patay sa dalawang magkahila na road acidents sa Turkey

140

Patay ang 34 katao habang dose-dosenang iba pa ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa Turkey noong Sabado.

Kinasangkutan ng isang bus matapos banggain ang isang ambulansya, firetruck at sasakyang lulan ng mga mamamahayag ang unang insidente na kumitil ng 15 katao at 31 sugatan sa isang motorway sa probinsya ng Gaziantep.

Ayon sa local media ng Turkey, kabilang sa mga nasawi ay tatlong paramedics, tatlong bumbero at dalawang mamamahayag.


Habang nasa 19 naman ang patay sa pangalawang aksidente matapos araruhin ng isang truck ang mga pedestrian sa probinsya ng Mardin.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang mga nabanggit na aksidente habang nagpaabot naman ng pakikiramay ang gobyerno sa mga naulilang pamilya.

Facebook Comments