Friday, September 18, 2026

Bagong sistema sa suspensyon ng klase tuwing masama ang panahon, pinamamadali ni PBBM

Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng bagong sistema sa pag-aanunsyo ng suspension ng klase dahil sa pabago-bagong panahon.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, layunin nitong maiwasan ang kalituhan ng mga magulang at estudyante kung may pasok o wala.

Isa sa mga pinag-aaralang panukala ang pagbibigay ng pangunahing anunsyo sa local government units, na dapat nakaayon sa Department of Education (DepEd).

Ito ay para maiwasan ang magkakaibang abiso mula sa mga mayor, gobernador at DepEd.

Batay naman sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education, umabot sa tinatayang 20 araw ng klase ang nawawala sa karaniwang pampublikong elementary school dahil sa mga suspension noong School Year 2025-2026.

Facebook Comments