Monday, September 14, 2026

VPSD, nanawagan ng mapayapa at transparent na unang eleksyon sa BARMM

Hinimok ni Vice President Sara Duterte (VPSD) sa lahat ng mga kandidato, partido, at mga mamamayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na panatilihing mapayapa at transparent ang kauna-unahang halalan sa rehiyon.

Sa inilabas na pahayag ng pangalawang pangulo ngayong araw, binigyang-diin nito na ang makasaysayang eleksyon ay mahalagang hakbang tungo sa sariling pamamahala, kapayapaan, at inklusibong pag-unlad ng mga Bangsamoro.

Hinihikayat din ng Bise Presidente ang mga residente sa BARMM na gamitin nang responsable ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng mga lider na tunay na maglilingkod para sa kapakanan ng rehiyon.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na sana ay maging daan ang naturang halalan upang higit pang mapatatag ang demokrasya at pagkakaisa sa Bangsamoro.

Facebook Comments