Friday, September 18, 2026

P500-M pondo para sa Jesse Robredo Coliseum sa Naga City, walang halong pamumulitika ayon sa Malacañang

Itinanggi ng Malacañang na may halong pamumulitika ang paglalaan ng P500 milyon para sa pagsasaayos ng Jesse Robredo Coliseum sa Naga City.

Ito’y matapos kwestyunin ni Caloocan Representative Edgar Erice ang naturang pondo at iniuugnay sa pulitika.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, walang pinipiling lokal na pamahalaan ang national government pagdating sa pagbibigay ng suporta at pondo.

Para kay Castro, iresponsable ang pagbibigay ng malisya sa mga proyekto ng pamahalaan.

Gagamitin ang P500 milyon sa pagpapalakas ng estruktura ng coliseum, pagsasaayos ng bubong, sanitation at drainage system, at pagtatayo ng community kitchen at medical response areas para sa disaster at relief operations.

Noong Pebrero, personal na siniyasat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang coliseum at nakipagkita kay Naga Mayor Leni Robredo at iba pang lokal na opisyal.

Facebook Comments