
Aakyat na simula bukas, October 28, ang singil sa toll para sa mga motoristang bumabyahe sa CAVITEX R-1 Expressway Extension mula Zapote hanggang Kawit.
Ito na ang ikalawa at huling tranche ng toll rate adjustment na inaprubahan ng Toll Regulatory Board, Cavitex Infrastructure Corporation, at Philippine Reclamation Authority.
Sa ilalim ng bagong taripa, magiging P103.00 na ang singil sa Class 1 matapos ang P15.00 na dagdag-pasahe; P207.00 sa Class 2 mula sa P31.00 na taas-singil; at P310.00 naman sa Class 3 matapos ang P46.00 na dagdag.
Ayon sa Toll Regulatory Board, kinakailangan ang adjustment upang matugunan ang maintenance, operasyon, at mga kinakailangang expansion project sa kahabaan ng expressway.
Facebook Comments










