Nakatakdang lumahok sa Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur ang 37 kabataang atleta mula sa Dagupan City kasama ang anim na coaches.
Bumisita sa Division Training Center ang ilang opisyal ng Department of Education upang personal na kumustahin at bigyang-suporta ang mga atletang sasabak sa iba’t ibang kompetisyon.
Kabilang sa mga lalahukang events ang gymnastics, swimming, table tennis, taekwondo, chess, basketball, boxing, at wrestling para sa elementary at secondary categories.
Ayon sa DepEd Dagupan, patuloy ang kanilang suporta at paghahanda upang masiguro ang maayos na paglahok ng mga atleta sa pambansang palaro.
Kabilang sa mga dumalo upang magbigay-suporta sa delegasyon sina Dagupan City Mayor Belen Fernandez, Schools Division Superintendent Dr. Marciano Soriano, Assistant Schools Division Superintendent Anna Liza Chan, at Education Program Supervisor Dr. Liezel Cancino kasama ang iba pang opisyal ng DepEd.
Inaasahang magtutungo ang delegasyon sa Agusan del Sur bago ang pagbubukas ng Palarong Pambansa 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣


