37°C HEAT INDEX SA DAGUPAN CITY, NAITALA NGAYONG NOVEMBER 5

Ramdam ang matinding init ng panahon sa Dagupan City matapos umabot sa 37°C ang heat index ngayong Huwebes, Nobyembre 5, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

 

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa posibleng epekto ng matinding init ng panahon, kabilang ang dehydration, heat exhaustion at heat stroke.

 

Pinaaalalahanan ang mga residente na uminom ng sapat na tubig, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw at hangga’t maaari ay manatili sa malamig at maaliwalas na lugar.

 

Pinapayuhan din ang mga nagtatrabaho at nagsasagawa ng mga aktibidad sa labas na magpahinga sa lilim at limitahan ang mabibigat na gawain sa oras na pinakamainit ang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments