Pinangunahan ni Pangasinan 1st District Representative Congressman Arthur F. Celeste ang pagpapasinaya at opisyal na turnover ng bagong renovate na Multi-Purpose Gymnasium at pinalawak na Child Development Center sa Barangay Victoria ngayong araw.
Inaasahang malaking pakinabang ang hatid ng mga pasilidad sa iba’t ibang sektor ng barangay, partikular sa mga kabataan at batang mag-aaral.
Layunin nitong magkaroon ng mas maayos na lugar para sa mga aktibidad ng komunidad gayundin ng mas angkop at inklusibong kapaligiran para sa maagang pagkatuto at pag-unlad ng mga bata.
Samantala, ipinaabot naman ni Punong Barangay Gemark Rabadon, kasama ang buong konseho at mga residente ng Barangay Victoria, ang kanilang mainit na pagbati at taos-pusong pasasalamat kina Cong. Art Celeste at Mayor Arth Bryan Celeste sa patuloy na suporta, tulong at malasakit sa kanilang barangay.
Sa pagkakaroon ng mga bagong pasilidad, inaasahang mas mapalalakas ang mga programang pangkomunidad at pang-edukasyon, na magsisilbing mahalagang pamumuhunan para sa mas maunlad na kinabukasan ng mga mamamayan ng Barangay Victoria. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











