5 PATAY, KABILANG ANG 3 MENOR DE EDAD, SA PAGSABOG SA UMANO’Y PAGAWAAN NG ILEGAL NA PAPUTOK SA MALASIQUI

Kinumpirma ni Malasiqui Vice Mayor Dang Macaraeg Mamaril na lima ang nasawi, kabilang ang tatlong menor de edad, sa naganap na pagsabog sa isang umano’y pagawaan ng ilegal na paputok sa isang barangay sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

 

Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng bise alkalde na dating piggery ang pasilidad na umano’y nirentahan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagsabog.

 

Ayon pa kay Mamaril, hindi umano batid ng mga opisyal ng barangay maging ng mga residente na ginagamit ang nasabing lugar sa paggawa ng mga paputok.

 

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagsabog.

 

Kaugnay nito, plano ng bise alkalde na magsagawa ng legal inquiry at review ang mga umiiral na ordinansa ng bayan hinggil sa paggawa at paggamit ng mga paputok at pampasabog upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments