
Tuloy pa rin ang kilos-protesta at pagwi-welga ng Grupong PISTON (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide) ngayong Miyerkules, Sept. 30 sa Aurora Blvd. Cubao, Quezon City para ipanawagan ang pagro-rollback sa presyo ng produktong petrolyo at nakabubuhay na kita ng mga tsuper.
Ilang tsuper sa nasabing area ang nagpalipas na ng magdamag para sa ikalawang-araw ng kanilang tigil-pasada.
Nakatakda namang magtipon-tipon ang PISTON, kasama ang iba’t ibang progresibong grupo, sa Welcome Rotonda mamayang alas-dos ng hapon, para magmartsa patungong Mendiola.
Samantala, maluwag pa rin ang daloy ng mga sasakyan sa magkabilang linya ng Aurora Blvd. at bahagya lang itong bumabagal kapag malapit na sa bahagi ng Westpoint St. at sa traffic lights.










