
Isinusulong sa Kamara ng mga kinatawan ng Akbayan Reform Bloc ang panukalang batas na layuning palakasin ang proteksyon sa mga hayop at pahusayin ang pagpapatupad ng mga batas hinggil dito.
Nakapaloob ito sa House Bill 11495 o panukalang Animal Life Advocacy and Guardianship Act na tinatawag ding ALAGA Bill na inihain nina Akbayan Party-list Representatives Perci Cendaña, Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula at Dinagat Islands Rep. kaka Bag-ao.
Itinatakda ng panukala ang pagmodernisa sa animal welfare system sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatag ng National Commission on Animal Welfare (NCAW) na syang tututok sa kapakanan at hustisya para sa mga hayop.
Iniuutos ng panukala ang multa na 500,000 pesos at kulong na hanggang tatlong taong kulong para sa mga sangkot sa kalupitan, pagpatay, pananakit o pag-abandona sa mga hayop.










