ALAMINOS CITY VETERINARY OFFICE, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG ANIMAL WELFARE WEEK

Nakikiisa ang Alaminos City Veterinary Office sa pagdiriwang ng Animal Welfare Week ngayong linggo na may temang “Strengthening Information, Empowering Action: Advancing Animal Welfare Through Awareness and Enforcement.”

Layunin ng pagdiriwang na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng komunidad tungkol sa responsableng pag-aalaga ng mga hayop, gayundin ang pagsusulong at pangangalaga sa kanilang kapakanan.

Sa ilalim ng panawagan, hinihikayat ang publiko na maging responsableng pet owner sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pangangalaga at pagpapanatili ng kalusugan ng kanilang mga alaga.

Hinikayat din ang publiko na mag-ampon mula sa animal pound upang mabigyan ng bagong tahanan at pamilya ang mga ligaw o stray na hayop.

Samantala, binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagsunod sa batas para sa proteksyon ng mga hayop, kabilang ang pagsusumbong sa mga insidente ng pang-aabuso o anumang paglabag sa mga batas para sa animal welfare.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapalakas ang pakikilahok ng komunidad sa pagtataguyod ng mas ligtas at makataong pagtrato sa mga hayop. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments