Wednesday, October 7, 2026

Pamunuan ng Manila South Cemetery, naglabas ng schedule hinggil sa gagawing mga aktibidad sa Undas 2026

Naglabas ng mga paalala ang pamunuan ng Manila South Cemetery para sa nalalapit na Undas.

Sa abiso ng Manila South Cemetery, sa Oktubre 26, 2026 ang huling araw para sa paglilinis at pagpipinta ng mga puntod.

Habang sa Oktubre 28, 2026 naman ang huling araw ng libing kung saan magpapatuloy ang pagpapalibing sa Nobyembre 3, 2026.

Samantala, mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, hindi papayagang pumasok sa sementeryo ang anumang uri ng sasakyan, kabilang ang motor, e-bike, e-trike, scooter, bisikleta at monocycle.

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Manila South Cemetery tulad ng pagsasas-ayos ng mga lubak na kalsada, paglikinis ng loob at labas nito kabilang ang paglalagay ng mga signages bilsng paalala sa mga bibisita.

Pinapayuhan ang publiko na makipagtulungan at sundin ang mga alituntunin para sa maayos, ligtas at mapayapang paggunita sa Undas.

Facebook Comments