Tuesday, July 21, 2026

Speech ni PBBM para sa SONA, “on progress” na — PCO

Puspusan na ang paghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa susunod na Lunes.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, ginagawa na o “on progress” na ang talumpati ng pangulo.

Suportado rin ng Malacañang ang plano ng House of Representatives na gawing mas simple ang SONA sa Hulyo 27 bilang bahagi ng pagpapatupad ng austerity measures.

Sa nakaraang SONA, inilatag ni Pangulong Marcos ang mga pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon.

Sa nalalapit na SONA, inaasahang ilalahad niya ang mga naging resulta ng mga ito at ang mga plano para sa nalalabing panahon ng kanyang termino.

Facebook Comments