
Umakyat na sa 33 na indibidwal ang naiulat na nasawi dulot ng epekto ng bagyong Luis, Maymay, at Neneng at ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Director Gregorio Tomas, as of 12pm, umabot na 8.8 milyong indibidwal o katumbas ng 2.3 milyong pamilya ang naiulat na na naapektuhan ng nasabing sama ng panahon.
Ang nasabing bilang ay mula sa Region 1, 2, 3, 5, 6, 9, CALABARZON, CAR, NCR, at MIMAROPA.
Nasa halos 47,000 na pamilya o katumbas ng halos 165,000 na indibidwal ang nananatili sa higit 1,000 evacuation centers sa bansa.
Samantala, nasa 3.3 thousand na kabahayan ang naiulat na nasira, P6.12 billion naman ang halaga ng naitalang nasira sa imprastraktura habang nasa P2.32 billions naman na ang halaga ng nasira sa agrikultura.










