
Inilunsad ng iba’t ibang grupo ang “No to Pax Silica Network” ngayong Lunes, August 31 sa Mary Hill School of Theology sa Quezon City para tutulan ang pagtatayo ng Pax Silica o umano’y technological modernization na umano’y makakaapekto sa kalagayan ng bansa.
Sa pahayag ni Petronilla Capiz-Muñoz, Aeta Chieftain ng Sitio Sapang Kawayan sa Capas, Tarlac, marami umano ang komokontra sa Pax Silica, lalo na ang mga katutubo, dahil sa pangambang mawala ang katutubong lupain na minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno at banta ng pagkaubos ng tubig para sa para sa AI data centers.
Dagdag pa rito, ilang panggigipit na rin umano ang kanilang naranasan mula sa bases conversion and Development administration o BCDA at mga sundalo sa lugar.
Dagdag pa rito, nagpahayag din ng suporta sa network sina Bishop Elorde Sambat, Ms. Philippines Universe 2026 Bea Milan-Windorski, Tony Dizon ng Ban Toxics, at iba pa para ipanawagan na huwag nang ituloy ang pagtatayo ng nasabing proyekto sa 1, 620 hectares na lupa sa New Clarck City, Tarlac.
Samantala, kabilang naman sa naglunsad ng nasabing network ay mga taong simbahan, katutubo, propesyunal, manggagawa, estudyante, at iba pa.










