Ayon kay DECORP Chief Operating Officer Randy Castilan, maaring tumaas ang demand sa kuryente lalo na sa mainit na panahon.
Payo ni Castilan na linisin ang mga appliances tulad ng aircon, red, at bentilador upang hindi umano mahirapan na magfunction at magdemand ng kuryente, hinihikayat din patuloy na pagtitipid sa paggamit at pagkonsumo ng kuryente.
Kaniya-kaniya naman ng diskarte ang mga konsyumer upang makatipid at makaya ang init ng banta ng Very Strong El Niño.
Ayon sa residenteng si Ronald Datuin, gagamit sila ng mga alternative na paraan upang maibsan ang init na dala ng Very Strong El Niño.
Pagpunta naman sa mall ang tinitingnang paraan ng estudyanteng si Ronjay Manuel, upang maibsan ang init.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng PAGASA na magtipid lalo na sa paggamit ng tubig kahit hindi pa man tuluyang nararanasan ang epekto ng Very Strong El Niño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
