ILANG DAGUPEÑO, PABOR SA MAS MAHIGPIT NA PARUSA NG LTO SA MAPANGANIB NA MOTORISTA

Pabor ang ilang Dagupeño sa mas mahigpit na hakbang ng Land Transportation Office o LTO laban sa mga motoristang naglalagay sa panganib sa mga pedestrian.

Sa bisa ng Memorandum No. MVL-2026-229, maaaring ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang isang motorista kung may sapat na batayan na ang paggamit o pagpapatakbo nito ng sasakyan ay nagdulot ng panganib sa publiko, kabilang ang insidenteng nagresulta sa kamatayan, pagkasugat o malubhang pinsala.

Saklaw ito ng Section 21(a) ng Republic Act No. 4136 at maaaring maging batayan sa tuluyang pagbawi o pagre-revoke ng driver’s license ng sangkot na motorista.

Sa Dagupan City, positibo naman ang ilang pedestrian sa naturang polisiya.

Para sa estudyanteng si Laynard Gabilan, makatutulong ang hakbang upang higit na maprotektahan ang mga pedestrian, lalo na sa mga kalsada at tawiran.

Pabor din ang residente na si Ramon Salazar sa pagkumpiska at pagre-revoke ng lisensya ng mga mapapatunayang lumabag sa batas.

Samantala, nagpapatuloy naman ang POSO Dagupan City sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pedestrian at motorista sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments