SELEBRASYON NG IKA-21ST CITYHOOD ANNIVERSARY NG CAUAYAN CITY, PINAGHAHANDAAN NA

58
Cauayan City, Isabela- Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang nalalapit na selebrasyon para sa ika-dalawamput isang anibersaryo ng Lungsod ng Cauayan ngayong buwan ng Marso.

Sa ibinahaging impormasyon ng LGU Cauayan, mayroon ng mga aktibidades na nakalatag para sa Cityhood Anniversary ng Cauayan na gugunitain sa March 30.

Ilan sa mga programa na isasagawa sa anniversary ng Cauayan City ay ang pagbibigay ng parangal sa mga most outstanding employee of the year ng Cauayan at ng 10 Most Outstanding proud Cauayeño.

Isasagawa ang pagpaparangal sa mga mapipiling Cauayenyo sa Isabela Convention o ICON sa barangay San Fermin.

Inaasahan din sa naturang selebrasyon ang State of the City Address o SOCA ni Mayor Bernard Dy para sa kanyang huling panunungkulan. Hinihikayat naman ang lahat ng Cauayenyo na suportahan at makiisa sa nalalapit na cityhood anniversary ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments