
Ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang pagkain sa lahat ng uri ng mga shellfish na mahahango sa mga coastal areas sa apat na mga lalawigan sa bansa dahil sa red tide toxin.
Ayon sa BFA, kabilang sa mga baybayin na positibo sa red tide o paralytic shellfish poison ay ang coastal waters ng Leyte sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur, coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province.
Paliwanag ng BFAR, bawal ang pagkain sa lahat ng klase ng shellfish at alamang na galing sa nabanggit na mga karagatan pero maari namang kainin ang mga isda mga hipon, pusit at alimango basta huhugasan lamang na mabuti ang mga ito at tatanggalin ang lamang loob bago lutuin.
Samantala red tide-free naman o ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfishes sa mga coastal waters na saklaw o sakop ng buong stretch ng Manila Bay, kabilang na sa lalawigan ng Cavite.
Maging dito sa NCR sa lungsod ng Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan, at sa mga karagatan na sakop ng Bataan, Pampanga, Zambales at iba pang coastal areas na hindi kabilang sa listahang inilabas ng BFAR.