
Humihingi ng pang-unawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila matapos na maubos ang suplay ng bakuna para sa kagat ng hayop.
Sa kasalukuyan, wala pang available na bakuna para sa kagat ng hayop habang hinihintay ang pagdating nito mula sa Manila Health Department.
Ang mga pasyente naman na tinutukoy na category 3 o ang na-expose sa rabies ay maaari pa rin magpabakuna gamit ang equine rabies immunoglobulin (ERIG) dose kung saan maaaring magtungo sa Animal Bite Treatment Center sa Manila City Hall.
Paalala ng Manila LGU, maglalabas sila ng abiso sa oras na dumating na ang bagong suplay ng bakuna.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng Manila Health Department ang publiko sa mga kagat ng hayop lalo na’t noong 2024 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 426 na pasyenteng nagkaroon ng rabies kung saan lahat ito ay nasawi.