Nag-viral na motorcade ng isang motorcycle hailing app na naging sanhi ng matinding trapiko sa Cainta, Rizal, iimbestigahan

Iimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang nag-viral na motorcade ng mga rider ng Angkas, isang motorcycle hailing app, na naging sanhi ng matinding trapiko kamakailan.

Ayon kay LTO Chief Asec. Atty. Vigor Mendoza II, gusto nilang alamin kung may permit ang motorcade mula sa LGU .

Pagpapaliwanagin din ang grupong nag-organize ng naturang motorcade kung bakit hindi sila dapat kasuhan at pagmultahin dahil sa obstruction of traffic flow at iba pang paglabag sa batas trapiko.


Nauna nang naglabas na ng apology ang CEO ng naturang ride-hailing app.

Sa nag-viral na video, makikitang hinarangan ng mga rider ang kalsada para makadaan ang iba pang rider na kasali sa motorcade na siya namang binatikos ng mga motorista at netizen.

Facebook Comments