129 MAGSASAKA SA BUGALLON, NABIGYAN NG TITULO NG LUPA

27
Nasa 129 na magsasaka sa Brgy. Hacienda Bugallon ang nabigyan ng titulo ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ang mga Agrarian Reform Beneficiaries ay 84 kalalakihan at 45 kababaihan mula sa Bugallon Federation of Free Farmers Marketing Cooperative ang tumanggap ng kanilang certificates of land ownership o CLOA.
Inabot ng siyam na taon ang pag-aapply ng 40 ektarya ng lupa para sa mga nasabing benepisyaryo.

Sumailalim naman sa seminar ang mga ito upang malaman ang kanilang karapatan at responsibilidad bilang Agrarian Reform Beneficiaries.
Hangad ng DAR na gumanda ng buhay ng mga benepisyaryo matapos matanggap ang kanilang titulo ng lupa. | ifmnews
Facebook Comments