Thursday, August 27, 2026

TOP 8 MOST WANTED SA ANDA, ARESTADO SA KASONG SEXUAL ASSAULT

Arestado ng mga tauhan ng Anda Police Station, katuwang ang Pangasinan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Maritime Law Enforcement Team (MARLET) Anda, ang itinuring na Top 8 Most Wanted Person sa municipal level sa isinagawang operasyon noong Agosto 24, 2026 sa Anda, Pangasinan.

 

Kinilala ang nadakip na indibidwal bilang isang 29-anyos na lalaki, may live-in partner, mangingisda at residente ng Anda.

 

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Sexual Assault in Relation to Republic Act No. 7610, o ang *Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act*. May inirekomendang piyansa na ₱200,000 para sa nasabing kaso.

 

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa Anda Police Station kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon at pagpapatuloy ng legal na proseso.

 

Samantala, pinuri ni Police Colonel Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang mga operating personnel sa kanilang koordinadong pagsisikap na matukoy, mahanap at maaresto ang wanted person.

 

Patuloy naman ang Pangasinan Police Provincial Office sa pakikipagtulungan ng mga kaukulang yunit upang matiyak na ang mga wanted person ay matutunton at maihaharap sa nararapat na proseso ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments