Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan, katuwang ang Metro Pacific Investments Foundation, ang Capacity Building on Project R.E.S.H.O.R.E. (Resilient Ecosystem and Sustainable Habitats through Organized Restoration and Employment) bilang bahagi ng mga hakbang para sa rehabilitasyon at pangangalaga ng Mangrove Eco-Park.
Idinaos ang aktibidad sa isang Convention Center at dinaluhan ng mga boatmen, fisherfolk, tricycle operators, Eco-Guides at Mangrove Rangers na may mahalagang papel sa pangangalaga ng mangrove ecosystem sa komunidad.
Pinangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang programa na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga stakeholder sa wastong pangangalaga, pagpapanumbalik at pagpapaunlad ng mangrove ecosystem.
Binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maprotektahan at pangangalaga ng mangrove ecosystem. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










