WATER BOY NA GALING SA B-DAY PARTY, PATAY NANG MAAKSIDENTE; BACK RIDER, KRITIKAL

Cauayan City, Isabela- Hindi na nakabalik ng buhay sa isang birthday party ang isang water boy matapos sumalpok sa punong kahoy ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang biktima at drayber ng motorsiklo na si Bonnie Miguel, 21 taong gulang, binata, at residente rin ng nabanggit na barangay.

Kritikal naman ang kondisyon ng kanyang backrider na si si John Emil Magana, 17-taong gulang, at residente naman ng Brgy. Malalinta, San Manuel, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, nakipag-inuman sa dinaluhang okasyon ang dalawang biktima at nang sila’y bibili sana ng alak at sigarilyo ay sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa punong kahoy.

Nawalan umano ng control sa manibela ang drayber ng motorsiklo na si Miguel kaya tuluyang bumangga ang mga ito sa puno na malapit sa tabi ng tulay.

Nagtamo ng malalang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at ulo si Miguel na dahilan ng kanyang pagkamatay habang dinala naman sa ospital ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue 922 ang back rider na si Magana.

Facebook Comments