Pinagtutuunan ng pansin ngayon sa Dagupan City ang iba pang proyektong imprastraktura na kasalukuyang isinasagawa at nais maisagawa pa matapos na ilapit ni Mayor Belen Fernandez ang usapin sa pagbisita ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa isa road project sa lungsod.
Ayon sa ibinahagi ng alkalde, nagkaroon umano ito ng pagkakataon na mailatag sa kalihim ang ilang usapin sa pagpapabilis at improvement sa pagsasaayos ng mga kakalsadahan, mga tulay, dike at iba pang pang-imprastraktura sa lungsod.
Inihayag naman umano ni Dizon na dapat malinaw ang magiging koordinasyon ng DPWH sa pamahalaang lokal ng Dagupan pagdating sa mga ganitong proyeko.
Sa kabilang banda, sa panayam kay Dizon, ipinunto nito ang pagtatapos ng mga proyekto nang konkreto at dekalidad upang agad na mapakinabangan at matiyak ang kaligtasan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








