
Naglabas ng pahayag si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Rafael Calinisan kaugnay sa insidenteng kinasasangkutan ng kanilang tauhan at ng isang TNVS Driver.
Sa pahayag nito, mariin niyang kinondena ang naging asal ng kanilang tauhan matapos itong bumunot umano ng baril at pagbantaan ang isang TNVS driver nang magkasagian ang kanilang mga sasakyan.
Bilang tugon, agad na ipinag-utos ng NAPOLCOM ang pagsasagawa ng kaukulang administrative investigation sa nasabing insidente.
Tiniyak din nito ang buong suporta sa anumang lehitimong imbestigasyon at kasong kriminal na maaaring isampa ng mga awtoridad.
Humingi rin ng paumanhin si Calinisan sa TNVS driver na sangkot sa insidente at sinabinh hindi kukunsintihin ng NAPOLCOM ang anumang uri ng pang-aabuso kahit ito pa ay kanilang empleyado.










