Friday, June 26, 2026

Bail hearing ng pulis at security guard na umano’y sangkot sa pagkawala ng mga sabungero sa Santa Cruz, Laguna, ikakasa sa Quezon City RTC ngayong Biyernes

Ipagpapatuloy ngayong Biyernes ng umaga, June 26, ang bail hearing ng mga pulis at security guard sa Santa Cruz case ng mga nawawalang sabungero sa Quezon City Regional Trial Court.

Ito ay matapos ilipat ng Department of Justice sa Quezon City Regional Trial Court ang nasabing mga kaso para mas mailapit ito sa mga pamilya ng nawawalang sabungero at para sa security ng state witness.

Kasabay ng bail hearing ay didinggin din ang mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention.

Ayon kay Diane Loyola, asawa ng isa sa mga missing sabungeros sa Santa Cruz, 3 sa 19 complainants na lang silang aktibong lumalaban para umusad ang nasabing mga kaso.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng impormasyon ang abogado ng isa sa mga akusado dahil baka ma-cite in contempt siya.

Sa ngayon, dumating na sa Regional Trial Court si Kim Patidongan, state witness na umano’y namataang nag-withraw ng pera gamit ang ATM ng asawa ni Diane Loyola.

Facebook Comments