Wednesday, July 22, 2026

48-ANYOS NA MAGSASAKA, ARESTADO SA MALASIQUI SA KASONG ACTS OF LASCIVIOUSNESS

Isang 48-anyos na magsasaka ang naaresto sa Malasiqui, Pangasinan matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act noong Hulyo 21, 2026.

Ayon sa Malasiqui Municipal Police Station (MPS), sa bisa ng warrant of arrest para sa naturang kaso na may kaugnayan sa isang menor de edad, isang paglabag na saklaw ng R.A. 7610 na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at diskriminasyon.

May inirekomendang piyansang ₱32,000 ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malasiqui MPS ang suspek habang isinasagawa ang kinakailangang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago siya iharap sa tamang hukuman.

Iginiit ng pulisya na ang pag-aresto ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person at ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na nagbibigay ng espesyal na proteksyon sa mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments