Wednesday, July 22, 2026

Pagpapanagot sa Prime Water, tuloy kahit iba na ang may-ari — Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na hindi natatapos ang pagpapanagot sa Prime Water na pag-aari ng pamilya Villar dahil sa mga reklamo kaugnay dito.

Ito ay kahit naibenta na ang water concessionaire sa Crystal Bridges Holding Corporation na pag-aari ng negosyanteng si Lucio Co.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, mananagot pa rin ang mga dapat managot.

May mga ilegal na hakbang na rin aniyang ginagawa para matiyak na haharapin ng mga dating opisyal ang mga reklamo ng customers.

Ilan sa inirereklamo ng customers ang water interruptions, mahinang pressure ng tubig, at kalidad ng serbisyo sa ilang water districts.

Facebook Comments