Isinagawa sa Natividad, Pangasinan ang ika-12 batch ng Swine Dispersal Program noong Hulyo 15 para sa mga benepisyaryong naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) at mga nagdaang kalamidad.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Natividad, alinsunod ito sa Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Project na naglalayong suportahan ang pagbangon ng hog raisers sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga ipinamahaging alagang baboy.
Batay sa pinakalatest na update ng Department of Agriculture (DA) noong Hunyo 26 nitong taon, dalawang bayan sa Pangasinan ang nakapagtala ng ASF cases.
Ito na ang ika-12 batch ng swine dispersal na isinagawa sa bayan sa ilalim ng naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










