Wednesday, July 22, 2026

45-ANYOS NA CONSTRUCTION WORKER, TIMBOGMATAPOS MAKUMPISKAHAN NG MAHIGIT 27 GRAMO NG HINIHINALANG MARIJUANA SA ANDA 

Isang 45-anyos na construction worker ang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A. 9165) matapos masamsaman ng mahigit 27 gramo ng hinihinalang pinatuyong marijuana sa isinagawang search warrant operation sa kanyang bahay sa Anda, Pangasinan.

Pinangunahan ng Anda Municipal Police Station (MPS), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1), ang operasyon kung saan narekober sa loob ng bahay ng suspek ang 27.505 gramo ng hinihinalang dried marijuana, na nakalagay sa isang nakabuhol na plastic.

Tinatayang nagkakahalaga ito ng ₱3,300.6.

Bukod sa hinihinalang ilegal na droga, nasamsam din ang isang dilaw na plastic bag at iba pang ginamit ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Anda MPS ang mga nakumpiskang ebidensya habang inihahanda na ang drug testing at iba pang examination.

Inihahanda na rin ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165, na may kaugnayan sa pag-iingat o pagmamay-ari ng ipinagbabawal na droga.

Facebook Comments