
Naaresto ng mga awtoridad ang Top 5 Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Bani matapos siyang masakote sa bisa ng isang warrant of arrest kaugnay ng kasong robbery.
Kinilala ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang naarestong suspek bilang isang 30-anyos na residente ng Bani, Pangasinan.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Bani Police Station noong Hulyo 20, 2026, sa nasabing bayan.
Ang pag-aresto ay isinilbi sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman para sa kasong robbery na may inirekomendang piyansang ₱100,000.
Ang pagkakaaresto sa isa sa mga most wanted sa Bani ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Pangasinan PPO laban sa mga wanted na personalidad upang mapanagot ang mga ito sa mga kasong kinahaharap at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









